DA tutulong sa probe ng fertilizer scandal

TINIYAK ngayon ng pamunuan ng Department of Agriculture (DA) na makikipagtulungan ang ahensya sa pagsisikap ng pamahalaan na madala sa hustisya ang mga responsable sa napaulat na P728-milyon fertilizer fund scam.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, kailangan lamang ng mga awtoridad ang opisyal na kahilingan upang mailabas ang mga mahahalagang dokumento.

Aniya, may mga dokumento pa rin ang DA hinggil sa usapin na maaaring ilabas ng ahensiya.

Sangkot sa kaso ang umano’y paglilihis ng pondong dapat sana’y pambili ng pataba patungo sa pondong pangkampanya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na ngayon ay kongresista ng Pampanga, para sa kanyang pagkandidato sa pagka-Presidente noong 2004.

Pangunahing akusado sa paglilihis ng pondo si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante.

Noong Abril, nabanggit sa mga ulat mula sa Tanggapan ng Ombudsman na nagsampa ng dalawang graft charges laban sa ilang personalidad na isinangkot sa fund scam.

Ang iniulat na respondents ay sina Sorsogon Gov. Raul Lee, accountant Raul Hernandez, at provincial treasurer Ofelia Velasco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply