Dagdag na bayad, insentibo para sa sundalo

RETROACTIVE ang inaprubahang dagdag na bayad at insentibo para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na lumalaban sa mga armadong grupo matapos lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Executive Order (EO) No. 38 o ang P500 combat pay at P150 araw-araw na combat incentive pay.

Ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., bagama’t nito lamang Abril 28 nilagdaan ng Commander-in-Chief ang EO No. 38 ay mayroon itong bisa simula noong Enero 1 kung kaya’t may back pay na matatanggap ang bawat sundalo na nakaumang sa kaguluhan.

“President Aquino approved EO No. 38 to put in effect the intention of his administration to improve the conveyed allotment of benefits and entitlements to the members of the AFP, especially those engaged in combat operations and recognizing the vital role they play in the nation building,” ani Ochoa.

“Under EO No. 38, officers and enlisted personnel of the AFP performing combat duties / activities are entitled to receive a combat duty pay of P500 per month. An additional combat incentive pay of P150 per day will be given to AFP members who are actually engaged in combat operation against members of various insurgent, terrorist and lawless groups.”

Nilinaw naman ni Ochoa na ang karagdagang combat incentive pay ay hindi maaaring lumagpas ng P1,500.00 kada Operations Order (OPORD) o Fragmentary Order (FRAG-O).

Aniya, ang combat incentive pay ay nagsisilbing ayuda lamang sa P500 kada buwan na combat duty pay na tinatanggap ng mga sundalo na naka-deploy sa labanan.

Sinabi pa ni Ochoa na ang paunang pondo na kakailanganin sa implemenstasyon ng EO No. 38 ay magmumula sa Personal Services (PS) savings ng AFP sa Fiscal Year 2010-2011 habang sa mga susunod na taon ay isasama na ito sa General Appropriations Act (GAA). Axel Sam

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply