Dagdag na lakas sa Smart-Gilas Nationals

BILANG karagdagang pwersa sa Smart-Gilas Pilipinas ay mapapabilang ang dalawang beteranong PBA cagers na sina Dondon Hontiveros at Asi Taulava sa nakatakdang torneo ng Phiba-Asia Championship Cup na gaganapin sa PhilSports Arena sa Mayo 28 hanggang Hunyo 5.

Ang paglahok ng dalawang beteranong manlalaro ay tiniyak ni Phiba Championship Cup local organizing committee head Aboy Castro sa idinaos na PSA forum noong Martes. Dagdag pa ni Castro ang isang linggong torneo ay bubuuin sana ng 10 teams ay posibleng mabawasan ng kalahok kasunod ng pahayag na pagliban ng koponan ng Japan at ng Kazakhstan na may pinansyal na problema.

Subalit, nagpahayag ng paglahok naman ang koponan ng India na makasasama ng Smart Gilas Pilipinas sa Group A.

Maging ang Korean Team ay nasa balag pa rin ng alanganin kasunod ng ‘di pa nagbibigay ng katiyakan hinggil sa intensyon nilang sumali.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply