Dagdag P22 COLA sa minimum wage earner oks na

INAPRUBAHAN na ng National Capital Region Wages and Productivity Board ang karagdagang P22 Cost of Living Allowance (COLA) sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Bunga nito, ang arawang kumpensasyon ng mga minimum wage earner sa Metro Manila ay papalo na sa P426 mula sa P404.

Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na layon nito na makatulong sa mga minimum wage earner dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Nilinaw naman ni Baldoz na hindi kasama ang dagdag na P22 COLA sa kwenta  ng leave, overtime at 13th month pay.

Magsisimula ang dagdag COLA, 15 araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan.

Nilinaw naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bagama’t aabot na sa P426 ang arawang kumpensasyon ng mga minimum wage earner ay exempted pa rin sila sa tax

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply