Dagdag parusa sa mga tsuper na walang disiplina

ISINULONG ng dalawang mambabatas ang pagrepaso sa parusang ipinapataw sa mga tsuper na nasasangkot sa mga aksidente sa kalye.

Ani Iloilo Congressman Jerry Trenas, hindi na mabilang ang aksidente sa kalsada na pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay umabot sa 4,825 bus ang nasangkot sa aksidente noong 2008; 1,488 sa mga unang buwan ng 2009 o 10 aksidente isang araw.

Giit ni Trenas na panahon na upang higpitan ang parusa upang madala at mag-ingat ang maraming tsuper.

Sa pagrepaso ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa pagbibigay prangkisa at lisensya ay iginiit naman ni Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento na dapat babalikat din sa bawat aksidente hindi lamang ang tsuper kundi maging ang operator o may-ari.

Kasabay nito ay iminungkahi ni Quezon City Rep. Winnie Castelo na maglagay ng speed marshal sa Commonwealth Avenue.

Kasunod ito ng pinakahuling aksidente na kinasangkutan ng journalist na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan kung saan ang taksing sinasakyan nito ay binangga ng bus at saka tinakbuhan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply