Dagdag sa sahod ni PNoy kinainggitan ng mga obrero

HALATANG naiinggit ang mga karaniwang obrero kay Pangulong Benigno “NoyNoy “ Aquino III  dahil nakatakda nang matanggap ng huli ang kanyang wage increase sa susunod na buwan habang gamumu lang  ang matatanggap nila.

Mula sa kasalukuyang P95,000 na buwanang sahod ay tataas ang buwanang sweldo ni Pangulong Aquino sa P107,000.

Ang ibig sabihin ay P12,000 ang itataas ng kanyang sahod, samantalang P13.35 lamang ang dagdag sa arawang sahod ng may 2 milyong mangagawa.

Ito ay kasunod ng pahayag ng Employers Confederation of the Philippines (Ecop) na kung lalampas pa sa P13.35 ang maibibigay na dagdag sa daily wage ng mga manggagawa, tiyak tataas ang inflation rate at dadami ang mawawalan ng trabaho sa bansa.

Sinabi ng Ecop na huwag nang umasa pa ang mga manggagawa sa Metro Manila na tataas pa sa P13.35 kada araw ang magiging umento nila dahil nararamdaman na rin nila epekto ng paglobo ng costs of production.

Ayon kay Edgardo Lacson, pangulo ng Ecop, ito na ang pinakamagandang maibibigay namain ayon kay.

“It’s not only the wage that will have to increase. We also have to consider the increasing costs of electricity and water. As employers, we also have to look at our costs,” ani Lacson patungkol din sa serye ng nagaganap na oil price hike.

Inakusahan ni Elmer Labog, tagapangulo ng ng Kilusang Mayo Uno (KMU), ang Ecop ng pangba-blackmail.

Aniya, bagama’t sumisirit ang presyo ng mga produktong petrolyo, kakarampot lamang ito kumpara sa kanilang kinikita.

Binanggit din ni Labog na halos walang magagawa ang nabanggit na dagdag-sahod ng mga manggagawa upang makaagapay ang kani-kanilang pamilya sa nagtataasang presyo ng mga pangunahing bilihin.

“A P13.35 wage hike won’t give workers any genuine relief amidst the rising prices of basic goods and of services, especially oil. Now that employers are admitting that skyrocketting fuel prices are hurting them, they should join us in fighting these price hikes and stop pressing down workers’ wages,” ayon sa lider ng KMU.

Tahasang sinabi ni Labog na hindi sila naniniwala sa mga  employer, na kaya kakarampot lamang ang kaya nilang ibigay s amga mangagawa sahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

“Even with the oil price hikes, capitalists have earned substantial profits over the years. They should fight the increasing prices of basic goods and services and still grant workers a significant wage hike,” anito.

Nanawagan si Labog sa mga employer na sumama sa kanila sa pagkastigo ang pagiging inutil ng Department of Energy, na umano’y tumatayo pang tagapagsalita mga kumpanya ng langis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply