Dagdag sa SALN, pamana ng magulang ko–PNoy

PERSONAL na ipinaliwanag ni Pangulong Benigno S. Aquino III na mula sa pamana ng kanyang namayapang magulang ang nadagdag na P4.8-milyon sa kanyang yaman na nakasaad sa isinumiteng 2010 statement of assets, liabilities and net worth (SALN) makalipas ang isang taon na pagkaluklok sa Malakanyang.

Sa panayam sa Pangulo, nilinaw nito na bahagi ng pinagbentahan na ari-arian nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Senador Ninoy Aquino ang pinagmulan ng karagdagan sa kanyang net worth.

“Iyong net worth only increased the mere fact that my mother has died, my dad died and they gave me an inheritance,” deklara ni Pangulong Aquino.

Batay sa 2010 SALN ng Punong Ehekutibo, umaabot na sa P55-milyon ang kanyang kayamanan sanhi na rin ng pagkadagdag ng P4.8 milyon nitong nakalipas na taon.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ang naturang ari-arian na tinutukoy ng Pangulo ay ang nabentang lote sa Antipolo City na pag-aari ng pamilya Cojuangco, na kabilang ang si dating Presidente Cory.

Idinagdag pa ni Lacierda na tumanggap lamang si Pangulong Aquino ng kanyang share bilang pamana ng kanyang ina at hindi ito nakialam sa anumang negosasyon sa pagbebenta sa naturang residential lot sa Antipolo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply