Dagupan Bus Co. sinuspinde ng LTFRB

SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30-araw ang bus firm na nakaaksidente kay Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil at sa dalawang kasamahan nito noong nakaraang Huwebes bunsod ng isinasagawang imbestigasyon.

Ayon sa report ng dzRH, sinuspinde ng LTFRB ang Dagupan Bus Co. at maaaring makanselahan ng prangkisa kung hindi makapagpapaliwanag sa nasabing aksidente.

Nabatid kay LTFRB board member lawyer Manuel Iway na sakop ng suspensiyon ang may 19 units ng bus firm, kabilang na ang bus na bumangga sa van kung saan lulan si Bataoil, anak na babae nito, at ang driver.

Sugatan si Rep. Bataoil, dating police general, kasama ang kanyang anak na si Angela nang banggain ng bus ang kanilang van sa bayan ng Bugallon sa Pangasinan madaling-araw ng Huwebes.

Nabatid pa na naaresto ang driver ng Dagupan bus (DAS 578), na nakilala lamang sa pangalang Benny Cainap.

Umamin naman si Cainap na nabangga nga niya ang Nissan van (ZET 264) ni Bataoil, dahil sa iniwasan niya umano na mabangga ang isang motorsiklo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply