Dagupan Bus Company suspendido

SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB) ng 30 araw  ang Dagupan Bus Company Inc. bunga ng pagkaka-aksidente at pagkasugat ni Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil.

Ayon kay Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB, pinagpapaliwanag na ng ahensiya kung bakit hindi maaaring masuspinde ang kanilang kumpanya dahil sa naganap na aksidente.

Sinabi ni Iway na ang bus na nakasagasa sa sinasakyang van ni Congressman Bataoil, anak nito at dalawang iba pa ay may kasamang 19 units sa iisang prangkisa nito kaya’t ang lahat ng unit na ito ay kasama sa suspendido ang operasyon ng 30 araw.

Inutos din ni Iway sa bus company na isurender sa LTFRB ang plaka ng sasakyan ng 19 units ng kanilang bus na magkakasama sa franchise.

Ang kumpanya anya ay may kabuuang 38 prangkisa na may 165 awtorisadong bus units.

Nilinaw ni Iway na ang pagsuspinde sa isang bus na sangkot sa aksidente ay palagiang ginagawa ng ahensiya bilang pagbibigay daan sa gagawing pagbusisi ng LTFRB sa anumang aksidente na kinasasangkutan nito.

Sasailalim din sa re-training ang mga drivers nito.

Ang driver ng naturang bus ay nasa custody na ng mga pulis para sampahan ng kaukulang kaso. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply