Dahil aning, lukresya: Iwa Moto niligwak na ng GMA-7

AS of this writing, nabalitaan naming frozen ang kontrata ni Iwa Moto sa GMA-7 dahil sa kontrobersya at gulo sa kanyang lovelife

Patatawarin na raw sana si Iwa sa mga eskandalo niya’t tatawagan para mag-shooting pero hindi pa ito puwedeng makasipot dahil nga nagtangka itong magpakamatay. Meanwhile, lahat ng mga eksena niya sa bagong comedy series ng GMA ay bitin.  Kumbaga, they decided to just make ligwak Iwa Moto at walang nakaaalam kung kelan siya kukuning muli.

May mga report na pinabura na sa tarpaulin layout ng serye si Iwa at maging sa “Munting Heredera” di na rin tuloy ang participation niya.

Ang ibig kayang sabihin ng frozen contract, hindi muna siya bibigyan ng show habang hindi naaayos ang gulo sa personal niyang buhay?

O baka naman panandalian lang ito at palilipasin lang ang inis ng publiko, pagkatapos muli nilang kukunin si Iwa Moto?

Lalo pang malulungkot si Iwa sa narinig naming tila may kino-consider ng aktres na papalit sa role niya sa “Andres de Saya.”

Kailangan kasi nang may pinagseselosan ang karakter ni Iza Calzado kay Andy (Cesar Montano) at kung wala si Iwa, kailangang maghanap ng kapalit ang staff.

Sino naman  kaya ang ipapalit kay Iwa?

Pero heto ang hitch: Bakit kasali si Iwa sa trailer ng sitcom? Paulit-ulit yung eksenang kasali si Iwa as if major star din siya ng sitcom?

Nililinlang ba tayo ng GMA 7 at pinalilipas lang ang inis natin at kapag di na natin pansin, buong ningning naman palang kasali ang lukring na boldstar?

Nagtatanong lang!

***

Kalawang sa buhay ng mga alaga si Popoy Negatibo

IF there’s someone to blame sa pagiging negatibo ni Marian Rivera, ito ay walang iba kundi ang manager niyang si Popoy Caritasomething.  Yes, lahat ng mga natutunang kamalian ni Marian ay turo supposedly ng kanyang manager dahil nga likas ang pagiging maldito nito.

Ayon kasi sa image ek ng baklitang ito from Tarlac, galing siya sa angkan ng mga meron sa probinsiya and in fact, ipinangangalandakan pa nitong friend niya si Kris Aquino. Well, with that, we can easily believe him, pareho lang naman sila ng attitude.

Anyway, nung baguhan pa si Marian, talaga namang ang simple lang niya, di-makabasag-pinggan, laging nakangiti at ready na bumati sa mga press kahit di niya kilala ang mga ito. But we could see kung paano na-transform si Marian into a monsterette at kung paano niya nakaaway ang maraming taong nakasalubong niya sa showbiz.

Perfect example sina Popoy at Marian ng mga taong tinubuan ng sungay nang magkapuwang sa daigdig ng showbiz. Sila yung klase ng taong binigyan ng kaunti pero ang akala nila, sila na ang may ari ng buong showbiz. (Corrected by! Hahaha! – Ed)

If you are from the press o kaya ay isang certified fan, subukan mong bumati sa dalawang ito and surely, you will get the cold shoulders. Parang dinuduyan yata sila sa kaligayahan once meron silang na-turn off na fan at press. Para sa kanila, iniisip nilang madaling magapi ang puwersa ng fans at press dahil mas madaling mapaikot ang mga ito kapag nagpakita silang aloof sila sa mga ito.

Pero may karma ang ganitong attitude. Kapag siningil sila sa mga kalawan ng lagim na isinasabog sa showbiz, saang kangkungan kaya sila pupulutin?

O baka naman talagang enjoy na ang mag-amo sa bansag na Popoy Negatibo at Marianita Demonyita? (Say that with more conviction, Sar! Hahaha! – Ed)

Anong say mo, Bela Padilla?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply