Dahil hindi kagandahan… Sarah na-insecure sa magandang new comer

DAMING mga di magandang anekdota tungkol sa mag-inang Divine at Sarah Geronimo.  Kalat na kalat sa showbiz ang maraming estoryang kinasangkutan ng mag-inang ito.

Noong araw na nagsisimula pa si Sarah at hindi pa ganun kabongga ang kanyang exposure, naging paboritong biruan yung tungkol sa nanay niyang mahilig daw magbalot ng mga tirang pagkain sa catering ng ilang projects na ginawa noon ng dalaga.Pinagbubulungan ang mag-ina dahil hindi nga normal yung ibabalot at iuuwi mo yung tirang pagkain sa shooting.

Pa-blind item ang mga kuwentong ito noon at wala namang makapagpapatunay na may ganung pangyayari nga.

Pero dito natin patutunayan na laging true yung kasabihang kapag may usok, may sunog.

Isa pang kuwneto kay Sarah ay yung minsan daw guest ito sa isang project. Bago sumalang, pumasok daw muna sa kuwarto ang dalaga at dinig na dinig yung pagsigaw nito nang malakas.  Nagkulong nga raw sa CR ang anak ni Aling Divine at doon nga ito nagsisigaw.

“Pagod na kasi si Sarah, di lang talaga siya makatanggi sa gusto ng nanay niya, sobrang overworked, di pinagpapahinga. Kaya ayun, para lang medyo lumuwag ang dibdib, nagsisigaw na lang siya nang nakakulong sa CR,” kuwento pa ng isang reliable source.

Hindi naman malaman kung lagging ganito o minsan lang nangyari yun.

Isang kuwento naman yung kumalat na kesyo nangungutang si Sarah sa kanyang mga kaibigan para mabili ang anumang bagay na kanyang gusto.  Hindi raw kasi siya pinahahawak ng pera ng ina kaya idinadaan niya na lang sa pangungutang para lang mabili ang ilang maliliit na bagay na kanyang gusto.

Very classic naman yung inilihim ni Sarah sa kanyang pamilya ang pakikapgnobyo. Kahit kasi nasa edad na raw ito, strict pa rin si Aling Divine.

Ang kaso, na-in love nga raw si Sarah. Ayun nang ligawan siya ni Rayver, sinagot agad niya ito. Pero lihim nga lang ang relasyon na nauwi lang sa kontrobersya.

By now, alam na ng publiko kung paano nawala sa buhay niya si Rayver, kung paano niyang sinubukang ipaglaban at bawiin ito but to no avail dahil  sobrang na-in love na kay Cristine Reyes ang dapat sana’y kauna-unahang lalaki sa kanyang buhay.

Heto ka, may istorya ring kamuntik na niyang sagutin noon si John Lloyd Cruz. May pagkapabling kasi ang aktor at dahil nakadalawang pelikula silang dalawa, nagkaroon ng tsansa ito na manligaw kay Sarah na hindi naman bumigay, sa halip, naging halos kaaway na nito si John Lloyd dahil nga sa pakikialam ni Aling Divine. Di na naulit ang tambalan nila kahit na sabihin pang pareho namang super hit yung dalawang pelikulang ginawa nila.

Heto naman ang klasika.  Ito ay kuwento mismo ng isang starlet at di raw niya malilimutan and di kagandahang karanasan kay Sarah Geronimo.

Marami ang nakaramdam ng awa sa pretty young starlet na si Charee Pineda  sa naging karanasan niya kay Sarah Geronimo.  Isa raw itong karanasang kailanman ay hinding-hindi na niya makakalimutan.

Pinaglaruan daw siya ni Sarah nang nasali siya sa isang pelikula nito na naipalabas kailan lang.

Una na yung pinalayas siya sa tent ni Sarah dahil puno ito ng gamit ng dalaga. Kulang na lang daw bitbitin siya ng mga guwardiya nito para umalis sa tent na alam daw niya from the start na ka-share sana niya si Sarah.

Bigla rin daw napalitan ang role ni Charee who was supposed to take the role na best friend ni Sarah sa pelikula.

Huli na raw nang sinabihan itong hindi na best friend ni Sarah ang role at imbes ay office girl na lang. Wala naman daw naging problema kay Charee, since nandoon na raw siya ay itinuloy na niya kung anuman ang role niya dahil ang habol niya’y ang chance na makatrabaho angsikat na aktres.

Pinagbihis na nga raw si Charee at mineykapan. Maya-maya ay nilapitan raw ito ng wardrobe at pinagpapalit  ng damit dahil pareho raw sila ng kulay ng damit ni Sarah. Akmang magpapalit naman daw ng damit si Charee, pero may nagsabi ritong huwag na dahil nauna naman siyang magbihis kay Sarah kaya ang dapat daw ang magpalit ay ang bida.

Sumunod naman daw si Charee sa kung ano ang sinabi sa kanya at tahimik lang ito.

Pero ang mga sumunod na pangyayari ay nagbigay ng pagkagulat at pagkabigla sa pretty young star.

Lumabas daw si Sarah at nilapitan siya sabay dayalog ng ganito; “Ang ganda mo! Ang ganda-ganda mo! Sige, ikaw na ang lead! Ikaw na ang bida dito!” Sinasabi raw ito ni Sarah ng nakatawa, pero sarcastic ang dating.

Medyo nagulat daw si Charee at hindi malaman kung ano ang gagawin. Tahimik lang daw ito at naka-smile pa rin. Pero napaisip daw ito sa ginawang ‘yon ni Sarah. Sey raw ng pretty young star, kung nagbibiro raw si Sarah nang sabihin ‘yon, bakit naman daw, eh hindi naman sila close? Kung nagpapatawa naman daw ito, wala namang tumawa at nagulat pa nga ang mga naka-rinig.

May lumapit daw kay Charee at sinabing huwag ng mag-react dahil ganoon daw talaga ang mga insekyurada. Nainsekyur daw sa kanya si Sarah dahil nagmumura daw ang ganda nito sa simpleng make-up at suot. Napa-smile na lang daw si Charee nang sabihin sa kanya ito.

Muling ikinagulat ni Charee ang mga sumunod na pangyayari dahil kahit alam niyang may apat na shooting days pa siya para sa movie na ‘yon, sinabihan daw itong wala na siyang shooting at tapos na ang eksena niya.

Naloka raw ang pretty young star pero parang halos alam na raw nito kung bakit “nawala” na siya sa pelikula.

Sa sobrang insecurity, nag-power trip na lang si Sarah Geronimo.

Lokayda Mamaril talaga!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply