Dahil mahal maningil, dentista sinaksak, patay

DAHIL lang sa mahal ang siningil sa pag-pasta ng ngipin ay sinaksak ng isang pasyente ang kanyang dentista sa loob mismo ng clinic nito sa Gen. Luna St., lungsod ng Naga, ayon sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa initial report na nakarating sa Camp Crame Central Operation Command, dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Dr. Nerlie Ablan, 30.

Agad namang nadakip ang suspek na kinilalang si Felipe Velasco, 18, ng Barangay San Isidro, Libmanan, Camarines Sur.

Sa report na isinumite ni SPO4 Elmer Pitallano, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP)-Naga, sinabi nitong dakong 6:30 kagabi nang maganap ang insidente.

Sa inisyal na pagsisiyasat ay sinasabing sinaksak ng suspek ang biktima dahil sa namahalan umano ito sa singil ng dentista nang magpapasta ang una ng kanyang ngipin.

Agad namang nahuli ang salarin matapos ang mabilis na pagresponde ng pulisya.

Ngunit hindi kinagat ni SPO4 Pitallano ang dahilan ng suspek dahil hindi umano kapani-paniwala ang alibi at kung bakit kinailangan nitong magdala ng patalim sa loob ng klinika kung magpapalinis lamang ito o magpapa-pasta lamang siya ng ngipin.

Iniisip ng mga awtoridad na pagnanakaw ang tunay na motibo ng suspek sa pananaksak sa dentista.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad upang mabigyang-linaw ang krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply