Dahil sa parking, kelot todas sa mag-ama

TODAS ang isang 42-anyos na lalaki matapos pagtulungang saksakin ng mag-ama na kanyang sinita sa pagpaparada ng kanilang pedicab sa harap ng bahay ng biktima sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot si Rodolfo Bullos, alyas “Noynoy,” ng 174 Chickaron St., Brgy. Happy Land, Road 10, Tondo, Manila sanhi ng saksak sa katawan.

Tinutugis naman ang mag-amang suspek na sina  Rogelio dela Torre, 42, vendor at anak nitong si Domingo, 25,  pawang ng Chicharon St., Happy Land, Road 10, Tondo, Manila na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni SPO2 Benito Cabatbat ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 1:10 ng hapon nang naganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.

Naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang sabayan siya ni Domingo at habang nag-uusap ay nilapitan siya ng ama ng huli at kinausap ang kanyang anak saka walang sabi-sabing  sinuntok ang biktima.

Sinundan naman ng batang dela Torre ng pananaksak sa biktima sa kaliwang itaas na bahagi ng mata nito dahilan upang agad mamatay.

Nabatid na nag-ugat ang alitan ng biktima at mga suspek sa paninita ni Bullos sa mag-ama sa pagpaparada ng kanilang pedicab sa harap ng bahay ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply