Dalagita hindi makapag-aral, naglason

NAGLASON ang isang dalagita nang malamang hindi na makakapag-aral sa pasukan sa Navotas, Sabado ng madaling-araw, Mayo 21.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Nicole Laxa, 15, ng Raja Humabon St., Daanghari, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 5:30 ng madaling-araw, kinakatok ng isang kaanak ang biktima sa kuwarto upang gisingin subalit walang sumasagot.

Dahil dito, sapilitang binuksan ang pintuan ng biktima pero laking gulat ng mga kaanak nang makitang bumubula ang bibig ng dalagita habang nasa tabi ang isang botelya ng silver cleaning solution.

Nabatid na nagsimulang maging malulungkutin ang biktima nang malamang hindi na makakapag-aral ngayong pasukan dahil sa kakapusan sa pera.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply