Dalagita lumagok ng silver cleaner, tigok

ISANG 15-anyos na dalagita ang patiwakal kahapon ng umaga, Mayo 19, sa pamamagitan ng pag-inom ng asido nang malaman na hindi na makapag-aral sa pasukan dahil sa kahirapan sa Navotas City.

Ang biktima na hindi na umabot na buhay sa Tondo Medical Center ay nakilalang si Nicole Laxa y Catienza, residente ng Raja Humabol Street Barangay Daanghari, Navotas City, dahil sa pag-inom ng nakalalasong kemikal na silver cleaner na ginagamit ng silver at iba pang metal.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas police, dakong 5:30 nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito ng kanyang kasamahan sa bahay na nakilalang si Cherrylyn Villaruel, nasa hustong gulang.

Ayon kay Villaruel, tinungo nito ang silid ng biktima para gisingin at pagbukas nito ng pinto ay tumambad sa kanyang harapan ang bumubulang bibig ng biktima at nakita sa sahig ang bote ng silver cleaning solution.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong sa mga kapitbahay si Villaruel upang madala sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Bago ang insidente, nalaman umano ng biktima na hindi ito makapagpapatuloy sa kanyang pag-aaral sa darating na pasukan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na pangyayari sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply