Dalagita pinapak ng manyak na kapitbahay

ARESTADO ang isang lalaki matapos gahasain ang kanyang kapitbahay na dalagita sa loob ng bahay ng una sa Navotas, Linggo ng gabi.

Nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse si Jade Erick Ching, 20, ng R. Domingo St., San Jose.

Sa ulat, dakong 11 ng gabi, niyaya ng suspek ang kapitbahay na edad 16 lamang sa loob ng kanyang bahay para kumain.

Dahil palagay ang loob ng dalagita ay sumama ito subalit pagpasok ay pinuwersa ang una ng suspek.

Walang nagawa ang biktima dahil mas malakas ang suspek hanggang sa mahalay ang dalagita.

Matapos ang insidente ay hinayaan na ng suspek ang biktima na makalabas ng bahay.

Pag-uwi ng bahay, agad nagsumbong ang dalagita sa kanyang mga magulang dahilan upang ipadampot si Ching.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply