Dalagita, pinilahan ng nobyo, 7 iba pa

NILASING muna bago nakawan at gahasain ng kanyang sariling nobyo at pitong iba pang kalalakihan ang isang dalagita sa Bacolod City.

Isinugod sa ospital upang lapatan ng kaukulang medical attention ang biktima na itinago sa pangalang “Karen”, 18, ng Barangay Taculing, Bacolod City.

Ikinasa na ng pusliya ang pagtugis sa mga suspect na pansamantalang hindi muna ibinigay ang mga pangalan alinsunod sa kanilang gagawing follow-up operation.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 5:40 p.m. kahapon sa isang bakanteng lote na ilang metro lamang ang layo sa bahay ng nobyo ng biktima.

Ayon sa salaysay ng biktima, bago ang insidente ay nakatanggap siya ng text message mula sa kanyang nobyo na magpunta sa kanyang bahay para mag-inuman.

Nang dumating ang naturang dalagita sa bahay, nagulat ito dahil bukod sa kanyang nobyo ay may pitong iba pang kalalakihan na nasa sala.

Lingid naman sa biktima, may masamang binabalak pala ang nobyo nito kaya nang siya ay malasing ay kinaladkad ang biktima sa isang bakanteng lote at doon ay halinhinan siyang hinalay ng mga suspek.

Hindi pa nakontento, kinulimbat pa ng mga suspect ang pera, alahas at cellphone ng dalagita bago lupaypay na inabandona sa naturang bakanteng lote.

Bagama’t nanghihina, humingi ng tulong ang biktima sa pamamagitan ng paggapang sa bahay ng mga residente sa lugar at dagli naman itong isinugod sa ospital para ipagamot.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply