Dalagitang binuntis ng tatay nagpakamatay

NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang dalagita nang mabuntis ng kanyang sariling ama sa Angeles City, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa report sa Camp Crame, buntis ng ilang buwan si Amor, 14, nang mag-suicide matapos halayin ng kanyang amain.

Nabatid na nadiskubre ang bangkay ng biktima bandang alas 1:00 ng madaling-araw na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay sa Barangay Cutcut, Angeles.

Napag-alaman pa na nagsumbong ang biktima sa kanyang ina hinggil sa ginawa ng asawa nito subalit hindi umano siya pinansin ng kanyang nanay.

Sa salaysay ng isa sa mga kasama sa bahay ng dalagita na kinilalang si Nelson Gamiba, minsan na ring nagsumbong sa kanya ang dalagita pero hindi niya umano nabigyan ng pansin.

“Bago ma-dengue ang kapatid ko, ginamit daw po siya. Ang stepfather ko daw po ang nakauna sa kanya,” ani Gamiba.

“Nagsusumbong po siya sa akin pero hindi ko pinapansin. Ginalaw daw siya ng tatay niya.”

Itinanggi naman ni  Romero Perez ang akusasyon subalit nakatakda pa rin siyang sampahan ng  3 counts of rape.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply