Dalaw na bebot nakitaan ng shabu sa panty

KALABOSO ang kinahantungan ng isang babaeng nagtangkang magpuslit ng ipinagbabawal na droga sa loob ng bilangguan matapos na makitaan ito ng ipinagbabawal na droga na nakatago sa suot nitong uderwear noong Miyerkules ng tanghali, Mayo 25.  

Batay sa isinumiteng ulat ni Jail 1 Officer Flordeluna A. Gomultim, bandang 1:15 ng tanghali ng dumalaw ang suspek na nakilalang si Yolanda B. Rivera sa live-in partner nito na nakilalang si Rogelio Domingo na nakakulong sa BJMP Manila City Jail Annex sa Camp Bagong-Diwa, Taguig City.

Dahil sa kaduda-dudang kilos, nagsagawa si Gomultim ng pagsisiyasat sa katawan ng suspek hanggang sa matagpuan ang isang nakabalot na bagay na nakatago sa loob ng panty nito na naglalaman ng dalawang plastic sachets ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

Agad namang isinuko sa tanggapan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) si Rivera. 

Lalapatan ng mga awtoridad ng kaukulang kaso ang nahuling suspek. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply