Dambuhalang Acacia nagdulot ng trapik

ISANG malaking puno ng acacia ang nagdulot ng trapik sa lungsod ng Maynila matapos itong bumagsak pasado alas sais ng umaga, ika-31 na Mayo.

Ayon sa Manila Police District (MPD), isinara na sa trapiko ang kahabaan ng Gen. Luna Street sa may Ermita dahil sa acacia na humambalang sa magkabilang panig ng kalye.

Masuwerte umano at walang nadaganan ang naturang puno na tumimbuwang sa tapat mismo ng Medical Center Manila.

Kasalukuyang inaalis ang naturang puno subalit medyo matatagalan ito dahil sa sobrang laki umano nito ayon sa mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Magkatuwang sa paglilinis ang MMDA at mga tauhan ng Manila City Hall para kaagad madaanan ang naturang kalye.

Nabatid na nagdulot din ng pagkawala ng kuryente sa mga kalapit na kabahayan at mga business establishments dahil nabuwal at nadamay din ang ilang poste ng Manila Electric Company (Meralco).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply