Dating BuCor chief ipatatawag ng DoJ

MAGING si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Oscar Calderon ay iimbitahan na rin ng fact finding committee na nangangasiwa ng imbestigasyon sa  paglabas ni  dating Batangas Gov. Antonio Leviste sa New Bilibid Prisons dahil  na rin sa termino nito nipinatupad ang “sleep out privileges” sa ilang mga inmates.

Dahil sa nasabing pribelehiyo ay mabilis na nakalabas ng kulungan si Leviste dahil na rin sa maaaring matulog ang isang inmate sa isang pribadong tirahan sa labas ng minimum security compound.

Ayon kay Justice Undersecretary Francisco Baraan III, nais nilang imbitahan si Calderon para sa ilang clarificatory questions partikular ang sistema na sleep out na ipinatutupad sa bilangguan.

Una nang sinabi ni BuCor assistant director Teodora Diaz na hindi lamang sa mga inmates na may edad 70 anyos pataas ibinibigay ang nasabing pribelehiyo kundi maging sa mga inmates na mayroong “special skills” o may malaking maitutulong para sa mga NBP projects.

Nakatulong umano si Leviste sa “Billion Trees Project” kung kayat inirekomenda ni NBP Agricultural Production head Wilson Marquez kay dating NBP Superintendent Armando Miranda na mabigyan ng “sleep out” privilege ang dating gobernador na inaprubahan naman kung kaya’t mayroon itong kubo sa labas ng minimum security compound.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na naabuso ang nasabing pribelehiyo kung kayat pinag-aaralan na nila na tanggalin ito.

Samantala, inamin ni De Lima na kanyang ikinokonsidera na hirangin si Justice Undersecretary Francisco Baraan III na pansamantalang pangasiwaan
ang BuCor kasunod nang pagbabakasyon ni Director Ernesto Diokno na kung aalukin ay tiniyak naman ni Baraan na kanyang tatanggapin.

“I’m willing to accept the appointment,” ani Baraan na kasalukuyan ng supervising undersecretary sa BuCor ng Department of Justice (DoJ) at siya ring pinuno ng fact-finding panel na nag-iimbestiga sa Leviste vacation. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply