Dating heavyweight contender Henry Cooper pumanaw na

PUMANAW na sa edad na 76 si dating heavyweight boxer sa Britania na si Henry Cooper na itinuturing na isa sa pinakasikat na boksingerong nagpabagsak kay Muhammad Ali.

Ayon sa British Boxing Board of Control, binawian ng buhay si Cooper dalawang araw bago ang kanyang ika-77 kaarawan habang nasa bahay ng kanyang anak na lalaki sa Oxted, Surrey, southern England

“I am at a loss for words over the death of my friend, Henry Cooper,” sa maikling pahayag ni Ali. Si Cooper ang nagpabagsak kay Ali, sa non-title fight sa Wembley Stadium na noon ay sumisikat na contender sa pangalang  Clay, taong 1963

Ayon sa ulat, si Cooper din ang bumali sa panga ni Ali sa isang left hook at tumilapon sa lubid hanggang sa bumagsak sa canvas.

Ang dalawa ay muling naglaban noong 1966 sa  London’s Highbury Stadium, at dito naagaw ni Ali ang titulong  world champion at manatili ang kanyang titulo nang pahintuin ang kanilang laban dahil duguan na si Cooper sa sixth round.

Si Cooper ay namayagpag ng 16-taon sa larangan ng boksing na may record na 40-41-1 sa professional career.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply