Dating NAIA chief binoga ng sariling misis sa US

BINOGA ng sariling misis ang dating hepe ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong panahon ng administrasyong Estrada nang magwala ito sa loob ng kanilang bahay sa Los Angeles, USA noong nakaraang Mother’s Day.

Kinasuhan na ng murder at attempted murder ang suspect na si Annamaria Magno Gana, 41, ng Tustin Ranch, south ng Los Angeles, California.

Pinatay ni Annamaria ang kanyang sariling mister na si Antonio Gana, 72-anyos, at sa pagbaril din sa kanilang 16-anyos na binatilyong anak, ayon sa United Press International.

Ayon sa ulat ng LA Police Department, naagaw naman ng 9-anyos na anak ng suspect ang baril at nang makuha ay itinakbo palabas ng kanilang bahay.

Sinasabing binaril ng suspek ang mag-ama matapos sumugod ito sa kanilang kuwarto at binaril ang kanilang kisame.

Tinamaan sa braso ang binatilyo pero nakatawag pa rin sa 911 para humingi ng tulong.

Ayon pa sa ulat, si Annamaria ay nasuring may breast cancer.

Hindi naman malaman pa kung ano ang dahilan ng pagwawala nito.

Ang kaso laban sa ginang ay isinampa sa Orange County District Attorney’s office.

Kung mapaptunayang nagkasala, mahaharap ito sa 82-taong pagkakakulong.

Ayon pa sa ulat, pinagbabayad ang suspect ng $1 milyon para sa kanyang pansamantalang kalayaan o bail, ayon sa ulat naman ng Journal Online.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply