Dating purok leader utas sa kapitbahay

UTAS ang isang dating purok leader matapos barilin ng kapitbahay dahil sa mahinang klase ng materyales na ibinigay ng tatay ng suspek sa pinagawang bahay ng biktima sa Caloocan City Martes ng hapon, Mayo 17.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng tama ng bala sa batok si Nomerito David, 46, ng Phase 7A, Bagong Silang, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Romeo Verdaloza, nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.

Base sa ulat, dakong alas-3:45 ng hapon, kainuman ng biktima ang kapitbahay na si John Francisco sa bahay ng huli nang dumating ang suspek at walang salitang pinutukan si David.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing ospital.

Nabatid na nagsimula ang away ng biktima at nang suspek nang bigyan ng mahinang klase ng materyales ng tatay ni Verdaloza ang pinagawang bahay ni David sa nasabing lugar 10 taon na ang nakalilipas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply