Davao priest, naglakad papuntang Malakanyang

NAKATAKDANG magtungo sa Malakanyang ngayong umaga ang isang pari na naglakad ng 37 araw mula sa Mindanao upang mag-iwan ng liham kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Matapos ang maraming araw ng paglalakad mula sa Davao City, magtutungo sa Palasyo ang 56-anyos na pari mula sa Redemptorist Congregation na si Fr. Amado Picardal upang ibigay sa Pangulo ang sulat na naglalaman ng apat na pro-life concerns niya.

Kabilang sa kanyang isinusulong ang peace process sa pagitan ng gobyerno at rebelde, ang pagkasira ng kapaligiran, extra-judicial killings at ang pinagdedebatehan pa ring Reproductive Health (RH) bill.

Ayon kayPicardal, iiwanan na lamang niya sa gwardya ang kanyang ipinaabot na sulat kay Pangulong Aquino sakaling hindi ito papasukin sa Palasyo.

Nabatid na may 2,000 kilometrong paglalakbay ang ginawa ni Picardal na nagsimula noong Abril 1, 2011 sa Davao.

Matapos umano nitong maihatid ang kanyang sulat sa Malakanyang, nakatakda naman itong maglakad patungong Aparri, Cagayan upang doon tapusin ang kanyang tinatawag na “Run-walk Across the Phillipines”.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply