David Beckman naaksidente sa Tate

KINUMPIRMA ng California Highway Patrol na naaksidente si football superstar David Beckham makaraang banggain nito ang isang nakahintong Mitsubishi ng kotse sa Los Angeles freeway.

Hindi naman umano nasugatan si Beckham habang ang driver na kanyang nabangga ay dinala kaagad sa ospital matapos magreklamo ito ng pananakit sa kanyang leeg.

Pansamantalang hindi pinangalanan ang 40-taong gulang na driver ng pulisya upang hindi matunton ng mamamahayag sa dinalhang hospital.

Si Beckham na asawa ni Victoria Adams ng Spice Girls, ay kasalukuyang naglalaro sa Los Angeles Galaxy. Naglaro rin siya sa Machester United at Real Madrid. Naging team captain din siya ng England national team taong 2000 hanggang 2006.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply