Dayalogo sa CBCP tinuldukan na ni PNoy

HINDI na interesado pa si Pangulong Benigno Aquino III na ituloy ang nabimbing dayalogo sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa isyu ng Responsible Parenthood (RP) bill.

Sa katunayan ay nakapagsalita aniya ang Chief Executive ng  “okay, so let’s just work with other issues” nang sabihin sa kanya ni Presidential spokesman Atty. Lacierda na nagdesisyon na ang mga obispo na wala na silang interes na ituloy pa ang dayalogo kay Pangulong Aquino.

Sa kabilang dako, inamin ni Atty. Lacierda na nalulungkot sila sa nagiging takbo ng relasyon ng pamahalaan sa mga obispo dahil sa usaping ito.

“It’s just sad that people you respect; people who are men of faith who are men of cloth will be issuing statements which are highly inflammatory. It’s not so much that we are sick and tired but it’s just that we do not expect these statements from bishops,” ani Atty. Lacierda.

Samantala, umaasa ang Malakanyang na kikilos ang mga obispo ayon sa kanilang pananampalataya.

“We will turn the other cheek. As what we’ve always… We expect men of faith to behave accordingly,’ aniya pa rin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply