De Lima ayaw maging Ombudsman

TULUYAN nang inayawan ni Justice Secretary Leila de Lima ang nominasyon niya bilang susunod na Ombudsman.

Ayon kay De Lima, nagpadala na siya ng notice sa secretariat ng Judicial and Bar Council (JBC) kung saan pormal niyang ipinaabot ang kanyang pagtanggi sa kanyang nominasyon.

Nakausap na rin umano niya si Pangulong Benigno Aquino III at naipaalam niya rito ang kanyang desisyon.

Naniniwala si de Lima na iginagalang naman ng Pangulo ang pagtanggi niya sa nominasyon.

Posible umanong kaya sunud-sunod ang mga kaso na inihahain laban sa kanya ay dahil sa pag-aakala ng kanyang mga kritiko na interesado siya na maging susunod na Ombudsman bagama’t noon pa man ay direkta na niyang inihayag na hindi siya interesado sa nasabing pwesto.

Si de Lima ay ni-nomina ni Asst. State Prosecutor Romeo Senson dahil may kakayahan umano ang kalihim na pamunuan ang tanggapan ng Ombudsman. Teresa Tavares

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply