De Lima, dedma sa mga patutsada ni Lacson

AYAW nang patulan ni Justice Secretary Leila de Lima ang patutsada ni Sen. Panfilo Lacson na dapat din siyang magbitiw sa pwesto bunsod ng hindi awtorisadong paglabas-masok sa New Bilibid Prison (NBP) ni dating Governor Antonio Leviste.

Una nang sinabi ni Lacson na kung pagbabatayan ang command responsibility dapat ding magbitiw na si De Lima sa pwesto dahil nasa ilalim ng kanyang kagawaran ang Bureau of Corrections (BuCor).

Pahapyaw na sinabi ni De Lima na hindi na siya dapat pang mag-react sa panawagan ni Lacson.

Matatandaang sinabi rin ni Lacson na gigisahin niya si De Lima sa oras na ito ay sumalang na sa Commission on Appointments.

Nag-ugat ang tila iringan ng dalawa nang iutos ni De Lima ang manhunt noon kay Lacson nang nagtatago pa ang senador dahil sa pagkakadawit sa Dacer-Corbito double murder case.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply