De Lima hindi interesado sa pagiging Ombudsman

HINDI interesado si Justice Secretary Leila de Lima na iwanan ang puwesto upang palitan ang nagbitiw na si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sinabi ni De Lima na wala siyang planong umalis sa kagawaran (DOJ) maliban na lamang kung ang Pangulong Benigno Aquino III ang magtatanggal sa kanya.

Sa kabilang banda, tatangapin umano niya ang posisyong iiwan ni Gutierrez kung itatalaga siya ng Pangulo.

Kung matatandaan, sina Gutierrez at De Lima ay nagkairingan dahil sa isyu ng Quirino Grandstand hostage crisis kung saan nakaladkad ang tanggapan ng Ombudsman. Alex Luiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply