De Lima kinasuhan na naman sa Ombudsman

MULING kinasuhan sa Ombudsman si Justice Secretary Leila de Lima ng isang Immigration officer naman dahil sa umano’y paglabag ng kalihim sa Code of Conduct and Ethical Standards.

Sa pitong pahinang complaint affidavit, kinasuhan ni Immigration Officer Ma. Virginia Libunao si De Lima dahil sa umano’y gross neglect of duty at dereliction of duty.

Bukod sa kalihim, kinasuhan din nito si Chief State Counsel Ricardo Paras III.

Nag-ugat umano ang usapin dahil sa nagmistulang “kangaroo hearing” ang ginawa ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco sa reklamo laban kay Libunao at sa kasamahan nitong BI employee na si Joselito Cruz noong 2005 at sa huli ay ini-adopt naman ang status ng kaso ng kasalukuyang kalihim na si De Lima.

Ang reklamo ay  ikatlo na laban sa  DoJ chief mula nang maging miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply