De Lima, iba pa kinasuhan sa Ombudsman

KINASUHAN si Justice Secretary Leila de Lima at iba pang opisyal sa tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa iligal na pagpapatapon ng mga Taiwanese national noong February 2, 2011.

Sa apat na pahinang Urgent Request for Investigation kay Ombudsman Merceditas Gutierrez, hiniling ni Atty. Reynaldo Bagatsing na maimbestigahan si De Lima tungkol sa mga kasong pang-aabuso sa kapangyarihan o paglabag sa R.A. 6713 (Conduct And Ethical Standards For Public Officials And Employees) at  R.A. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) dahil sa inisyung illegal summary deportation order.

Bukod sa kalihim, pinaiimbestigahan din si National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula at si dating  Bureau of Immigration Officer in charge Ronaldo Ledesma.

Ayon sa abogado, ang mga nabanggit na opisyal ay dapat managot dahil iligal ang pagpapatapon sa mga Taiwanese national

Matatandaang, inaresto ang mga napatapong Taiwanese dahil sa iligal na aktibidad ng mga ito sa Pilipinas at kawalan ng sapat na dokumento kaugnay sa pananatili sa bansa. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply