De lima pumalag sa kasong isinampa sa kanya

ITINUTURING ni Justice Secretary Leila de Lima na isang harassment o panggigipit ang paghahain ng reklamong kriminal laban sa kanya sa Tanggapan ng Ombudsman.

Naninindigan si De Lima na tama ang kanilang desisyon hinggil sa pagpapa-deport sa 14 na Taiwanese sa Mainland China na isinasangkot sa International Fraud Syndicate dahil ang mga ito ay undocumented at undesirable alien.

Hindi umano niya maunawaan kung bakit may mga taong gustong buhayin ang nasabing isyu na ilang beses na niyang nasagot at naipaliwanag.

Aniya, bagama’t ayaw niyang isipin na may agendang sa paghahabla sa kanya sa Ombudsman ay naghihinala si De Lima na posible iyong gamitin para tutulan ang kanyang pagkakatalaga sa Department of Justice (DOJ) oras na siya ay maisalang na sa Commission on Appointments.

Gayunman, anang kalihim, nakahanda siya na sagutin ang reklamo sa tamang panahon at muling ipaliwanag ang kanilang batayan sa pagpapa-deport sa mga Taiwanese.

Si De Lima, kasama sina National Bureau of Investigationn (NBI) Director Magtanggol Gatdula at dating Bureau of Immigration (BI) officer-in-charge Ronaldo Ledesma ay ipinagharap ng reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Conduct and Ethical Standard for Public Officials sa Tanggapan ng Ombudsman makaraang matuklasan na ang mga nabanggit na Taiwanese ay may mga visa na aprubado ng Manila Economic Cultural Office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply