De Lima suportado ng CBCP para Ombudsman

INIREKOMENDA ng ilang Obispo ng Simbahang Katoliko si Justice Secretary Leila de Lima para maging bagong Ombudsman, kapalit ng nagbitiw na si Merceditas Gutierrez.

Kumpiyansa si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., na may sapat na kakayahan si de Lima upang gampanan ang tungkulin ng isang Ombudsman.

Anang Obispo, kung siya ang tatanungin ay mas ikatutuwa niya kung itatalaga ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III si de Lima bilang bagong Ombudsman dahil nasa kanya na ang lahat ng katangian bilang mabuting Ombudsman.

“Aba’y matutuwa ako kung iyan ang ilalagay na Ombudsman. Sapagkat may dunong, may tapang at walang dinadalang takot. Palagay ko magandang ideya yan,” ani Bacani.

Kasabay nito, pinayuhan ni Bacani ang Punong Ehekutibo na maging maingat sa pagpili ng bagong Ombudsman.

Ayon kay Bacani, dapat italaga ni Pnoy ang isang pinuno na may alam sa batas, masipag at may moral strength para labanan ang katiwalain sa bansa.

Iginiit ng Obispo na hindi dapat magkamali si Pangulong Aquino sa pagtatalaga ng bagong Ombudsman dahil nalalagay ngayon sa matinding kontrobersya ang tanggapan na sinasabing protector ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply