Debate sa RH bill pagkatapos pa ng SONA

PAGBIBIGYAN muna ni Sen. Miriam Defensor Santiago ang pagdinig sa panibagong batas sa “unborn child bill” bago simulan ang debate sa kontrobersiyal na Reproductive Health (HB) bill na masisimulan pagkatapos ng state of the nation address (Sona) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Santiago, awtor ng RH bill sa Senado, wala siyang tutol sa kahilingan ni Sen. Pia Cayetano, chairman ng Senate committee on health and demography, na magkaroon muli ng panibagong pagdinig sa unborn child bill bago simulan ang debate sa RH bill.

Sinabi ng senadora na malaki ang posibilidad na maipasa sa Mababang Kapulungan ang RH bill na kasalukuyang idinadaan sa matindi at mainit na debate sa plenaryo.

“If the RH bill is passed in the House, the political momentum will be carried over to the Senate,” aniya.

Ngunit, sinabi pa ni Santiago na sakaling maibasura ang RH bill sa Mababang Kapulungan, wala nang dahilan kung itutuloy ito sa Senado.

“We are willing to pass all possible hurdles placed in our way, because we are confident of final victory,” paliwanag niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply