Debate sa RH bill patuloy na umiinit

MULING umusok ang mga tenga ng ilang Reproductive Health bill authors sa pagpapatuloy ng interpelasyon sa plenaryo.

Bandang alas-8:00 Miyerkules ng gabi ay napilitang suspendehin pansamantala ang sesyon matapos magpakita si Bacolod Rep. Anthony Golez, anti-RH, sa wide screen ng litrato ng “spermatozoa.”

Ikinairita ito ni Iloilo Rep. Janet Garin, isa sa mga awtor ng RH bill, sa pagsasabing bilang isang doktor ay kaya niyang i-identify ang nasa litrato kahit nakapikit ngunit huwag lang sa plenaryo.

Nauna rito ay unang nagkapikunan sina Alagad Rep. Rodante Marcoleta, isa sa mga awtor, at si Parañaque Rep. Roilo Golez, tutol sa RH.

Unang kinuwestyon ni Golez kung bakit si Marcoleta ang sasagot sa kaniyang interpelasyon gayung ang nais niyang i-interpellate ay si Minority Leader Edcel Lagman na nagpakita na ng pagka-irita sa paulit-ulit na katanungan.

Ayon kay Marcoleta, bilang isang awtor ng panukala at ibinigay sa kaniya ni Lagman ang hapag ay handa niyang sagutin ang mga katanungan ng interpellator.

Dito ay ipinaliwanag ni Marcoleta na ang RH bill ay hindi lamang para kontrolin ang populasyon, hindi rin nito sinisisi ang mga mahihirap kundi ito ay isa sa tugon upang maiangat ang buhay ng mga mahihirap sa bansa.

Gaya ng kahilingan ng marami, Tagalog ang talastasan ng mga kongresista sa plenaryo upang mas maunawaan ng publiko.

Matapos si Golez ay meron pang 33 interpellators ang nakapila. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply