Dela Hoya nag-sorry kay Pacquiao, Arum

HUMINGI ng paumanhin kina Filipino superstar Manny Pacquiao at rival promoter Bob Arum si boxing legend-turned promoter Oscar dela Hoya dahil sa mga hindi nila pagkakaunawaan.

Si Dela Hoya, una nang pumasok sa isang rehabilitation facility sa California, ay inadres sa dalawa ang kanyang 5-part message sa pamamagitan ng Twitter.

“Dear Bob Arum, first I would like to humbly apologize for any pain I have caused to you and or your family,” pahayag ng Golden Boy Promotions (GBP) owner.

“I also want to apologize to Manny Paquiao for any wrongdoing in my part. You are a great champion,” Dela Hoya added.

Matatandaan na binayo ng kritisismo si Dela Hoya dahil madalas nitong pang-iinsulto kay Pacquiao dahil di-umano’y paggamit nito ng ipinagbabawal na droga.

Katuwang ni Dela Hoya sa pambabatikos kay Pacman ang controversial boxer na si Floyd Mayweather Jr. at iba pa kung saan iginiit nila na may nakatusok na performance enhancing drug (PED) sa katawan ng Pambansang Kamao.

Ang alegasyon ay uminit sa unang round pa lamang ng negosasyon para sa multimillion-dollar superfight sa pagitan nina Pacquiao at Mayweather.

“With great humility I ask we work together for the good of the sport we dearly love. It is not fair to the fans and to the fighters. Let’s move forward… and show the world what we are capable of doing,” dagdag pa ni Dela Hoya.

Lalong nagkalamat ang pagkakaibigan ng dalawa nang lumagda ng kontrata si Nonito Donaire Jr. sa GBP kahit na may nilagdaan pa ito sa Top Rank.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply