Dengue cases lumolobo –DOH

MABILIS ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa loob lamang ng isang linggo ay nakapagtala ng ang DOH ng 1,657 bagong kaso ng dengue. Sampu sa mga ito ay nauwi sa kamatayan.

Batay sa pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH National Epidemiology Center (NEC), mula Enero hanggang Abril 9, 2011 lamang ay umabot na sa 18,885 ang mga kaso ng dengue na naitala. Mula sa mga ito ay 115 ang namatay.

Mula Abril 3 hanggang Abril 9 ay 1,675 kaso ang nadagdag dahil umabot lang sa 17,228 ang bilang mga kaso mula Enero 1 hanggang Abril 2, 2011.

Ayon sa DOH, ang mga bagong dengue cases ay mas mataas na ng 5.24 porsiyento kumpara sa naitala nilang kaso mula Enero 1 hanggang Abril 9 noong nakaraang taon na umabot lamang sa 17,945.

Nabatid na karamihan pa rin sa mga kaso ay nagmula sa National Capital Region (29.8%), Region III (18.96%) at Region IV-A (16.91%).

Kabilang sa mga biktima ay may edad na wala pang isang buwang hanggang 89 taong gulang, patunay na walang pinipiling edad ang sakit. Ang median age ay 13 taong gulang.

Karamihan pa rin sa mga nagkakasakit ay mga lalaki (54%), at 76 percent ng lahat ng kaso ay kabilang sa isa hanggang 20 taong gulang.

Nauna rito ay nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa posibilidad na magkaroon ng panibagong dengue epidemic sa bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply