Dennis Limot na ni Jennylyn

GULAT na gulat si Jennylyn Mercado  sa tanong sa kanya after ng kanyang matagumpay at big budgeted birthday concert sa Zirkoh, Tomas Morato nu’ng Sabado.

Klinaro ni Jen kung totoong nagdi-date sila ngayon ni Luis Manzano at twice na raw nakikita sa isang mall.

“Ngek, hindi ko alam. Sino pa? Lahat na?” simpleng sagot niya na walang paliwanag sabay tawa.  Lahat na lang daw ba ay ikakabit sa kanya?

Sa birthday ni Jen  na ‘Coming From The Rain’ marami ang nagsasabi na bongga at maganda ang show  na full band with Arpie and Multivitamins na nagsilbing musical director niya, katuwang  ang scriptwriter na si Josel Garlitos at over-all-director na si Leklek Tumalad. Ang ganda-ganda niya, mukhang naka-recover na nga  at ganadong mag-perform. Sa lahat daw  ng birthday concerts ni Jen ay ito na yata ang pinaka-ganado siyang mag-perform at napakagaling.  Best performance niya ika nga. Siya kasi ang namili ng mga kakantahin niya.

Kahit si JM De Guzman ay nasabi sa stage ang “grabe, ang ganda ni Jennylyn.”  Hinarana  niya kasi si Jen with acoustic  guitar ng  “Ako’y Iyo at Ika’y Akin.” Ang lagkit ng tingin ni JM. Sumagot  naman si Jen na ‘wag siyang titigan at hindi pa siya ready. Marami ang kinilig sa dalawa at nadiskubre namin na may chemistry pala ang dalawa sa stage. Puwedeng pagsamahin sa isang pelikula ang dalawa dahil maganda ang feedback ng audience sa kanilang dalawa.

Marami rin ang  nakapansin  na nagpasabog si Jennylyn  sa kanyang OPM Medley na mukhang may pahaging  gaya ng “TELL ME,” “TILL MY HEARTACHES“ “I REMEMBER THE BOYS” (But I don’t remember the feeling anymore), “ EVEN IF” at “LET THE PAIN REMAIN.”

Panalo rin ang kanta niyang “Alone”  at ang spiels niya bago kantahin ang “Sunlight.” Sey nga niya after the rain, there comes the sun.  Finale song niya  ay ang “I Will Survive.”

May sinabi rin si Jen  na what if hindi hindi siya nag-artista, what if  hindi siya sumali sa Starstruck, what if hindi raw niya nakilala ‘yung  isa (Patrick Garcia), di wala sanang Alex Jazz (anak niya) ngayon. Wala raw siyang pinagsisihan sa buhay niya dahil nandiyan si Alex Jazz na boyfriend niya.

Ala na raw storm kaya moving on ang drama niya. Sa mismong birthday niya sa May 15 ay hindi raw siya lalabas. Gusto niya ay nasa bahay lang, pribado at kasama ang pamilya.

Anyway, gusto naming pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa kanyang birthday concert gaya ng Rosario MMFF2010 entry of Cinemabuhay, MERALCO, Mr. Peter Yu & Mr. Jao Pajaro, managing directors of Sundance & FX, HIKARI soap, Pepsi Herrera for Jen’s gown and cocktail dress. Ganoon din sa nagbigay ng give aways: Sundance/FX, Hikari soap, Whoops and JOY for all season for Jen’s accessories

Sa mga nagbigay ng cakes  gaya ng Meralco, Sundance/FX, Hikari, Whoops, Belo Essentials, Cathy Valencia, Viva, Fernando’s Bakery, I-shot Studio

Flowers Unlimited,Grand Weddings by: Abet & Juvy, I-techDir. Tuano,Gov. Bogie Dy of Isabela, Mr. Al Panlilio Mr. Bong Sta. Maria at Kalye Timog

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply