Dentista hinoldap na, ginahasa pa

GINAHASA at pinagnakawan ang isang dentista makaraang pasukin ng isang salarin ang klinika nito na armado ng baril, kutsilyo at tear gas sa San Marcelino St., Paco.

Nabatid na nagpanggap ang suspek na isang customer at nagpapasta pa ito. Pagkatapos magpapasta ay nag-request pa ito na ipabunot ang isang ipin.

Subalit bago pa man maumpisahan ang pagbunot ng ngipin ay nagdeklara na ito ng hold-up. Iginapos umano ang mga tao sa loob ng klinika.

Nakuha sa isang dentista ang mga alahas, cell phones, netbook, portable DVD player at P20,000.00 cash samantalang nakuha naman sa isa pang dentista ang P1,500.00 na cash. Umabot ng P200,000.00 ang halaga ng mga nakuha ng holdaper.

Ayon pa sa ulat, ginahasa pa umano ng suspek ang babaing dentista na itinali sa kanyang dental chair bago ito umalis sa lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply