DepEd kontra sa September class opening

TINUTULAN ng pamunuan ng Department of Education (DepEd)  ang panukalang gawin na lamang sa buwan ng Setyembre ang pagbubukas ng klase.

Sinabi ni Education Secretary Bro. Armin Luistro, walang dahilan para ipagpaliban at baguhin ang pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo 6, taong kasalukuyan.

Ayon sa kalihim, wala umano siyang nakikitang problema sa pagbubukas ng klase sa susunod ng linggo sa halip ay ‘all system go” na ang opening ng school year 2011-2012.

Una rito ay hinihingi ng ilang grupo na gawin sa Setyembre ang pagbubukas ng klase bunsod ng mga nararanasang pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa na dala ng hanging habagat.

Ayon pa sa kalihim, wala namang katiyakan sa ngayon kung kailan tatama at darating ang sama ng panahon dahil na rin sa nararanasang climate change.

Inihalimbawa niya na nito lamang summer season ay biglang pumasok sa bansa ang bagyong Bebeng at Chedeng na dapat sana ay maaliwalas ang panahon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply