Depensa kontra terorista pinahihigpitan

HINILING ng ilang senador sa mga awtoridad na pag-ibayuhin ang pagbabantay sa bansa, partikular sa Metro Manila sa posibleng retaliatory attacks ng mga sympathizers ni international terrorist Osama bin Laden.

Ginawa nina Senators Juan Miguel Zubiri at Edgardo Angara ang pahayag matapos mapatay ng US forces si bin Laden sa Pakistan nitong Linggo, Mayo 1.

Sinabi ni Zubiri na kailangang magdeklara ng red alert status ang military at Philippine National Police (PNP) hanggang hindi humuhupa ang tensyon sa pagpatay kay bin Laden.

Pinababantayan ni Zubiri ang US embassy at iba pang US facilities sa bansa dahil posibleng ito ang maging target ng mga terorista.

Ayon naman kay Angara, dapat maglatag ang gobyerno ng mas mahigpit na security measures upang hindi makasingit ang mga terorista sa paghahasik ng karahasan.

Dapat aniyang manatiling vigilant at hindi maging kampante ang mga awtoridad sa pagbabantay sa mga matataong lugar.

Kaugnay nito, iginiit ni Angara na pagtibayin ang kanyang panukalang Terrorist Financing Suppression Act of 2011 para maputol ang pondo at mapatawan ng mabigat na kaparusahan ang mga terorista. Vicky Cervales

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply