Deputy Ombudsman Gonzalez pinatitigil na sa pagtupad ng tungkulin

PINATITIGIL na ni acting Ombudsman Orlando C. Casimiro si Emilio A. Gonzalez III sa pagtupad sa kanyang tungkulin bilang deputy Ombudsman para sa military at iba pang law enforcement agency.

“Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro yesterday directed deputy Ombudsman Emilio A. Gonzalez III to cease and desist from performing official and administrative functions at the Office of the Deputy Ombudsman for the Military and Other law Enforcement Offices,” ayon sa press statement na inilabas ni Atty. Mary Rawnsle V. Lopez ng Office of the Acting Ombudsman.

Nakasaad umano ito sa Implementation Order na may petsang Mayo 12 at ipinadala ni acting Ombudsman Casimiro kay Gonzalez na tinanggap din ng huli sa parehong araw.

Ipinadala na rin ang kopya ng nasabing order sa Office of the President (OP) noong Biyernes ng umaga, Mayo 13.

Alinsunod ang nasabing kautusan ni Ombudsman Casimiro sa natanggap niyang memorandum na inisyu ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr.

Sa memorandum ni Ochoa, inatasan nito si Casimiro na ipatupad ang desisyon ng OP na nagsisibak sa puwesto kay Deputy Gonzalez kaugnay ng Rizal Park hostage-taking incident.

Inutusan din si Acting Ombudsman Casimiro na ipagbigay-alam sa OP sa loob ng 24 oras kung anong aksyon na ang nagawa nito kaugnay sa nasabing kaso.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply