Desisyon ng S’bayan sampal sa PNoy admin

HINDI dagok sa kampanya laban sa katiwalian ng administrasyon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang pag-ayon ng Sandiganbayan sa plea bargain agreement sa pagitan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller Maj. Gen. (ret.) Carlos Garcia at Tanggapan ng Ombudsman.

Ayon kay Minority Leader Edcel Lagman, ang desisyon ng Sandiganbayan ay pagkastigo sa Pangulo at sa mga kaalyado nito sa pagtatangkang impluwensyahan ang mga desisyon ng mga korte.

Tinukoy ni Lagman na mula nang maluklok ang administrasyong Aquino ay wala na itong ginawa kundi ang tuligsain at babuyin ang hudikatura.

“It is to the credit of the judiciary that it has preserved and asserted its independence against the encroachments and forays of the Executive.”

Binanggit din ni Lagman na sa desisyon ng Sandiganbayan ay idineklara ng anti-graft court na “from the altered and baseless comments on the true facts and circumstances of the plea bargaining agreement, public opinion snowballed.”

Dagdag ng mambabatas: “While the court is used to be at the center of conflicting interest, and to be the object of criticism from losing parties, we have never seen such distortions and prevarications of facts from people who are expected to be sentinels of the rule of law.”

Ang paliwanag ng Sandigabayan sa desisyon nito ay malaking patama sa Pangulo, ani Lagman.

Matatandaang lantarang nagbigay ng kanyang opinyon sa plea bargaining agreement at maging sa nagbitiw na si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez at sa mga special prosecutors.

Ani Lagman, hindi rin pinatawad ng Sandiganbayan ang mga testimonya ni Heidi Mendoza na nakitaan ng kahinaan kaya’t hindi sapat upang idiin sa kasong plunder o pandarambong si Garcia.

Maging ang Solicitor General aniya ay hindi pinayagan ng Sandiganbayan na makialaman sa kaso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply