Desisyon ng S’bayan sa plea bargain ‘mababaligktad pa’

UMAASA si House Deputy Speaker Erin Tañada na mababaligtad pa ang desisyon ng Sandiganbayan na pagpayag sa plea bargain agreement na pinasok ng Office of the Ombudsman kay dating military comptroller Maj. Gen. (ret.) Carlos Garcia.

Hindi ikinabigla ng mambabatas ang desisyon ng anti-graft court dahil Disyembre pa lamang ay pinayagan nang makapagpiyansa si Garcia gayung ang kaso nito ay plunder o pandarambong.

“The fact that Garcia was allowed to go on bail as early as December, it was already a sign that Sandiganbayan would have approved the  plea bargain agreement,” ani Tañada.

Maaari pa naman aniyang maghain ng motion for reconsideration ang gobyerno sa Sandiganbayan.

Sa ngayon ay posibleng pag-aralan ng House committee on justice na maghain ng mosyon sa Sandiganbayan o umakyat sa Korte Suprema.

“Kailangang pag-aralang mabuti dahil puwedeng lusutan na error in judgement,” ayon sa mambabatas.

Nanatili ang posisyon ni Tañada na hindi dapat makalaya si Garcia at hindi dapat payagang pumasok ang gobyerno sa isang kasunduan na palalayain ito kung ibabalik lamang ang bahagi ng diumano’y nakaw na ari-arian.

Posible rin aniyang kwestyunin sa Korte Suprema kung legal o hindi ang plea bargain agreement na pinasok ng Ombudsman kay Garcia.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply