Detalye ng mga taong may HDO hiniling ng BI

NANAWAGAN ngayon ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng hukuman sa buong bansa na bigyan sila ng detalyadong impormasyon ng isang pasaherong papaalis ng bansa at nasa hold departure order (HDO) ng kawanihan.

Ginawa ng kawanihan ang mungkahi kasunod ng problemang hinaharap ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang pambansang paliparan sa tuwing may aalis na pasahero na kapareho ang pangalan ng nasa HDO.

Ayon kay BI Commissioner Ricardo David, Jr., nagpalabas na ang Korte Suprema ng isang memorandum circular noong Pebrero 23, 2003 na nag-aatas sa mga regional at municipal trial court na bigyan ang kawanihan ng detalyadong impormasyon hinggil sa isang pasaherong papaalis ng bansa at nasa hold departure order (HDO) ng kawanihan.

Kabilang sa impormasyon dapat ibigay sa kawanihan ay kumpletong pangalan, petsa at lugar ng kapakanakan, at kung saan huli itong nanirahan sa bansa.

Bukod sa personal na datos, dapat din ibigay ng mga korte ang detalyadong kasong hinaharap ng isang pasahero at kung kailan ipinalabas ang kautusan ng hukuman na hindi ito maaring lumabas ng bansa.

“At kung makakaya, kailangan din magbigay ang mga hukuman ng larawan o litrato ng pasaherong hindi nito pinapayagang mangibang-bansa,” dagdag pa ni David.

Nakasaad din sa kautusan ng kataas-taasang hukuman sa bansa na kung sakaling ang isang tao ay napawalang-bisa sa asuntong kinakaharap nito, o kaya naman ay ibinasura ang kasong hinaharap, dapat din ilagay sa desisyon na pinapawalang-bisa na ang inilabas na hold departure order.

Ayon kay BI legal chief Arvin Santos, dapat ibigay ng korte ang desisyon nito sa kanilang tanggapan at sa Department of Foreign Affairs sa loob ng isang araw mula nang maibaba ang desisyon.

Sinabi pa ni Santos na bagama’t malinaw ang kautusan ng Korte Suprema, marami pa rin sa mga korte ang hindi sumusunod sa direktiba na nagbibigay abala sa isang pasaherong may kapangalan sa nasa HDO.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply