DFA nagbabala sa mga nagaalok ng Macau jobs

NAGPALABAS ng babala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) laban sa  illegal recruiters na nagpapanggap na kinatawan ng bagong hotel sa Macau.

Batay sa ipinalabas na pahayag ng DFA, ang Galaxy Entertainment Group, operator ng isang malaking bagong hotel sa Macau, ay lumiham sa Philippine Consulate upang ipabatid ang ilang kaso ng panloloko na kinasasangkutan ng isang recruitment na nangangalap ng mga trabahador at nagpapanggap na itinalaga ng ahente ng entertainment group.

Ayon sa report ng Galaxy, may ilan sa illegal recruiters ang gumagamit ng pangalan ng kanilang kompanya upang akitin ang OFWs at pinangangakuan ng  maganda at malaking suweldo sa hotel.

Samantala, ipinaliwanag naman ng kompanyang Galaxy na ang tanging lehitimong ahente sa Pilipinas para mangalap ng trabahador ay ang IKON Solutions Asia, Inc.

Pinayuhan ang OFWs na tanging mga aplikante lamang sa IKON Solution ang kikilalanin ng kompanya para sa naturang trabaho.

Hinimok ng DFA ang publiko na beripikahin sa tanggapan ng  Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung mayroong trabahong naghihintay sa Macau.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply