DFA naglabas ng mga ligtas na lugar para sa OFWs

NAGLABAS na ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng listahan ng mga bansang maaring puntahan ng mga oversea Filipino workers (OFWs).

Sa talaan ng DFA, 76 na bansa ang pasok sa mga kategoryang  “safe havens” para sa mga OFW matapos makuha ang mga requirements na nakasaad sa Amended Migrant Workers Act o Republic Act 10022.

Papayagan lamang ng Philippine government ang pagpapapunta ng mga manggagawa  sa ibang bansa kung may umiiral na labor at  social laws na magbibigay ng proteksyon sa mga OFW.

Kabilang dito ang ilang bansa sa Africa, Europe at iba pang lugar sa Asya at Middle East.

Sa ngayon ay patuloy ang pag-aaral ng POEA sa iba pang mga bansa na maaaring tunguhin ng mga manggagawang Pinoy sa hinaharap.

Aminado ang DFA na nahihirapan silang magsagawa ng repatriation efforts sa mga OFWs lalo na sa Yemen.

Ayon kay DFA, Undersecretary Rafael Seguis, may katigasan ng ulo ang mga Pilipino sa Yemen at tila hindi natatakot sa bantang dala ng patuloy na kaguluhan doon.

Sinabi pa nito na hindi lumagpas sa 100 ang bilang ng mga Pinoy na nagpalista at interesadong umuwi na lang sa Pilipinas para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Seguis na mapalad na wala pa namang nadadamay na kababayan sa krisis kung saan tinatayang mayroong mahigit 1,000 OFWs.

Samantala, nakataas pa rin ang alert level-3 sa naturang Islamic Republic na nangangahulugang bawal na ang pagbibiyahe at deployment ng mga manggagawa sa lugar. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply