DFA-Pampanga laging delayed sa passport

SILIPIN natin itong kabagalan at bulok na sistemang umiiral sa Department of Foreign Affairs (DFA)-Pampanga sa pagre-release ng mga passport sa mga aplikante ng ahensiya.

Rush ang ibinabayad ng mamamayan na kumu-kuha ng passport  sa DFA-Pampanga pero laging delayed naman daw ang pag-release ng kanilang passport. Bukod sa nakaaapekto sa mga asikasuhing pambahay ay dagdag gastos pa sa kanilang  pasahe.

Hindi raw sila nakaalis sa takdang date dahil wala pa ang passport. Ang masakit,  pag na-late sila sa opisina na pinagtatrabahuhan nila sa ibang bansa, hindi na sila pinapayagang makabalik.

Attention: DFA Sec. Albert del Rosario, ano-ano ba ang ang mga pinaggagawa ng mga empleyado ninyo sa DFA-Pampanga?

Basahin ninyo, Sekretaryo,  ang reklamo ng ating mga kababayan sa Pampanga.

DFA-Pampanga, rush ang binabayad ng mga mamamayan na kumukuha ng passport  pero lagi namang delayed sa pagre-release. Nakaaapekto nang sobra at dagdag gastos pa. Kasi di kami makaalis sa takdang date dahil wala kaming passport. At ang masakit, pag-late  kami sa opisina na pinagtatrabahuhan namin sa ibang bansa, di na kami papayagang makabalik. Paano na ang aming family? Palaging katwiran nila, technical problem o bulok na ang sistema. Maawa kayo sa amin, nagtitiis kami na malayo sa pamilya kumita lang.

SEX TRADE SA QC CLUB UNTOUCHABLE

Patuloy pa rin daw ang ginagawang sex trade sa Queen Chamber Club (formerly Queen Castle) Quezon  Ave., Quezon City.

Hindi nagagalaw ang bahay-putahan sa kabila ng lantarang ibinebenta sa mga kostumer ang mga katawan ng babae rito dahil sa malakas ito kay “Papa Mayor” ni QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

Ano ba yan…..!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply