Diaz-Marquez tune-up fight lumabo

INAMIN ng Mexican champion na si Juan Manuel Marquez na hanggang ngayon ay hindi pa napaplantsa ang kontrata at mukhang lalong lumabo umano ang tune-up fight niya sana kontra sa dating WBA/WBO/IBF lightweight champion na si Juan Diaz.

Ito ay nang aminin ni Marquez na may namamagitang problema dahil sa humihingi si Diaz ng malaking premyo para magsilbing tune-up fight sa July 16, bago ang kanyang laban kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Marquez, gusto niyang makalaban si Diaz dahil tulad ni Pacman ay kaliwete rin ang boksingero ngunit dahil sa problema ay mukhang hindi na ito matutuloy.

Gayunpaman, umaasa pa rin si Marquez na makikiisa sa kanya si Diaz sa susunod na mga araw lalo at malaking tulong ito sa kanyang paghahanda sa trilogy fight kontra sa Pinoy ring superstar.

Tumanggi namang ibulgar ni Marquez kung magkano ang demand na purse money ni Diaz.
Kung maaalala, bugbog ang inabot ni Diaz sa boksingerong congressman na ayon pa kay Marquez ay malaking rason sana para pagbigyan siya ni Diaz para makaganti sa manununtok na nagpalugmok sa huli.

Samantala, ngayon pa lamang ay nagsisimula nang mag-training si Marquez sa Mexico sa ilalim ng beterano at matagal na rin niyang coach na si Nacho Beristain.

Tumutulong din sa kanyang ensayo ang isang medical team upang maabot ang nararapat na timbang sa 144 pounds na catchweight ng kanilang laban ni Pacman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply